Bakit...Ang hirap magpost sa blog?
Wala ka talagang isshare o ayaw mong magshare...(madamot)
Nakadorm ka at wala kang PC dun, plus nangunguripot ka pa mag-net sa computer shop.
Toxic at hell week. ('Yung tipong nosebleed ka na wala pang lumalabas sa ulo kahit taktakin pa!)
Wala kang tulog dahil sa ion at kape.
Iniisip ang iyong bhoylet at wala nang iba.
Inaantok na pag-uwi sa pagod di lang sa biyahe kundi sa kakasunod sa mga kulay (e.g. orange).
Sira ang daliri mo at di ka makatype dahil napunit ang kuko mo sa kaka-bowling.
Mahirap kung hindi ka makadecide from all those bhoylets kung sino ang iintindihin mo.(di ba j--e--e?,,, nararanasan mo din 'to di ba? Ang hirap!)
Laging iisa ang mga pangyayari sa bawat araw… walang bago ika nga (e.g. auntie anne's ngayon, auntie anne's bukas kung hindi,,, gbox is the place to be...).
Badtrip ka sa mga kaklase mong hindi ka tinitigilang kawawain (malamang hindi magandang magpost ka ng grievances =>)
Kasi nakakatakot baka mali ang spelling o grammar mo.
Baka none sense para sa kanila.
Kakatakot kasing walang magcomment.
Tinatamad ka
Gusto mong sarilihin ang kagitlagitlang mga pangyayari. (e.g. 18th bday mo!) ‘Yung tipong hindi ka na makatype sa sobrang tuwa, parang naabot mo na ang nirvana! Haha)
At ang pinakamalupet pa dyan! Hindi mo mabuksan ang sarili mong blogspot.
At yan ang mga pinagsama-samang excuses kung bakit anong petsa na, ngayon pa lang ako nagpost. => Any violent reaction?
remember?
time machine
shoutbox
memories
credits