Sunday, February 05, 2006

“Lab Istori ni Pusong”

Ako si Pusong. kagabi,nanaginip ako,magkasama tayong muli…pabigla mo kong binati ng makislap mong ngiti. Sa panahong yon,agad kong napagtantong tapos na rin ang nakaririmarim na paghihintay ko. Gayun pa man,di ko naman ito pinagsisihan pagkat alam ko ang halaga ng nitong pananalig ko…magkahawak ang mga palad natin habang naglalakad taglay ang walang tumpik na kagalakan…hanggang sa tayo’y naupo,nagbalik tanaw sa matamis nating kahapon…ang mga bagay na ating iniwan ay muli nating sasariwain at pagsasaluhan. Sa bawat pag sambit mo ng salita, pagnamnam ko sa himig ng iyong tinig ay abot langit. Sa bawat paghaplos ng hangin ay aking nilalanghap ang iyong halimuyak. Sa bawat pagsulyap ng yong malabrilyanteng mga mata,pagtunaw ko’y wari baga’y isang kandila. Sa bawat pagdampi ng yong magaspang na palad, tindig ko’y sumusuko sa matinding panghihina. Sa mga halakhakan natin,sa mga barahan natin,sa mga pagbibiruan natin,sa mga pangarap na minsang binuo natin, alam kong ito’y bunga lamang ng kapangyarihan ni Kupido. At sa pagtindig natin para sa hinaharap, susuungin natin ang mga alon ng kanilang mga hamon, ating babatain ang kanilang mga paninira, at ating silang pagtatagumpayan…ito’y inalay ko sa’yo…

“Tinanong mo”

Tinanong mo, ang bagay na gustong malaman
Mga nagdudulot sa’yong agam-agam
Kasaguta’y akin namang di ipag-aalangan

Iyo sanang ipagwalang bahala,
Sapagkat sa’kin ay wala nang iba.
Ito’y di mo dapat ipag-alala

Sapagkat sa’yo lang nakasalalay aking ligaya
Aking giliw, ibig kong iyong ipaghinuha,
Na ang pag-ibig ko sa iyo’y inalay na..

Tinanong mo, ano’t sino sa’kin makakapagpasuko..
Wala liban sa may kapal pagkat mundo ko’y maguguho
Kapag ako’y sa iyo nalayo..

Balang araw tayo ri’y makakalaya.
Anuman sabihin nila’y di na mahalaga,
Dahil sa pag-ibig tayo’y mapagparaya.

Hanggang pagtanda’y di titigil aking panliligaw.
Kamatayan lang ang siyang makapagbibitaw
Sa sumpang aking sinambit minsan sa ating mga araw…

Gumising akong lason sa maling pag-aakala, namulat mula sa isang pangarap na di na kailanman maaaring kamtin. Ipinagtatanto ang maginaw na kalungkutan ng pag-iisa. Mga pagdududa di ka babalik ay isinakabilang-buhay ko na. At aking tinanaw ang mapanglaw na tanawin sa labas ng rehas ng aking bintana’t patuloy pa ring nananaginip sa ‘yong pagbabalik…

-Tapos na-
*This was written by Adrian Monera (a dear friend) =>


posted by im.anna at 5:40 PM 2 comments

remember?

Anna.
Seventeen.
University of the Philippines.

time machine

Alfita
Dana
Macar
Maple
Miggy
Paola
Nene
Chowee

shoutbox


memories

January 2006
February 2006
March 2006
August 2006
November 2006

credits

picture host
host
brushes
designer