Isa lang siyang ordinaryong tao sa buhay mo nang halos ilang taon din. Kabarkada, wirdong kaibigan, korny at pasaway. Nagtataka ka pa noong una kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya, eh ayaw mo pa naman sa lahat, yung korny at di nagseseryo sa mga bagay-bagay. Alam mo sa sarili mong di malayong magkagusto ka rin sa kanya kung seryoso lang siya.Mayroon ka noong minamahal (more suited) partner, na ibang-iba sa kanya, isang lalakeng nasa pangainip mo talaga dream boy ika nga. Isang araw, nag-iba agad ang pakiramdam mo nang sinabi niya sa iyong gusto ka niya. Nagulat ka man at nabigla ng todo, naguluhan ka. Hindi mo alam kung anung mararamdaman. Bakit ka nga ba naguguluhan, ibig sabihin ba’y ganoon ka na rin sa kanya? Paano na ung isa? Nalunod ka sa pangako at paniniwala ang sariling IBA SIYA, kaya napamahal at tinaggap siya sa iyong buhay. Pinadalaw sa bahay, inilapit sa mga kaibigan, pinakilala sa magulang, isang bagay na hindi mo ginawa sa iba. Pinilit mong sakyan ang pagkakaiba ninyo,Pero inisip mong tama kung mas pipiliin mo yung kilala mo na, ung mas nakasama mo ng matagal. Kaya iniwan mo ang gumaganda mong relasyon para sa kanya. Gaya ng iba mo pang supposed relationships, hindi pa pwedeng maging kayo. Kasi ayaw ng parents mo, (pero sa totoo takot ka lang siguro). Pero pinuno ka niya ng pangakong maghihintay siya at magmamahal sabihin man ng ibang di iyon magtatagal. pinaglaban sa lahat ng gumugulo. Nagpapakasaya kayo at tuwing magkasama’y nakakalimutan ang magulong mundo. Masaya kang kasama siya, at mukhang ganoon din naman ang pakiramdam niya. Ngayon, habang tumatagal, akala mo, totoo pa rin ang sagot nyang OKAY LANG ANG LAHAT BASTA IKAW. Dumaan ang mga araw na natakot ka nalang na makipaguap, dahil baka marinig mo na ang mga salitang ayaw mong marinig sa kanya. Ayaw mo siyang makitang magpaalam at iwanan ka. Ngunit di mo hawak ang mga pagkakataon, pinilit mong umiwas sa mga usapan, kapag alam na ang kahahantungan. Nararamdaman mong parang ayaw na niya, nagtatanong ka kung anong problema pero ganon pa rin ang sagot niya. Inakala mong siya na, na kaya niya, nakalimutan mong di siya si super man at hindi ikaw ang diyosa ng kagandahan. Dumating na ang araw na hiniling mong dina sana dumating, bago magtakip silim, nang inaagaw na ng gabi ang kalangitan, kasabay nito ang kanyang pamamaalam. Parang ang bilis gumabi at sa isang saglit tuluyang dumilim ang iyong paligid, napapikit, ngunit pinakita mong matapang ka, nakuha mo pang sabihin ang mga katagang “Paalam at Salamat na lang ha!” Mga katagang hindi mo man lang inisip na sasabihin mo, ngayon pang parang hindi mo kayang mawalay siya sa iyo. OO, kasalanan mo, dahil hindi nya naramdaman ang pag-ibig mo. Na pinakawalan mo ang isang taong nagmahal sa iyo (totoo nga bang nagmahal siya?). Hindi lang nga ba kayo para sa isa’t-isa at kahit ginawa mo na ang lahat, di pa rin naging sapat?
*Ang post na ito’y supposed to be posted last month pa… nadugtungan tuloy Inakala mong tapos na, sa lahat ng sakit ay nakatakas ka na. Balewala na sa iyo anu pang mangyari sa kanya. Tinaggap na ang lahat at tuluyan na siyang binura. Ngunit bakit ganun? Tama bang sirain ang araw ng mga puso mo? Na sa araw na iyo’y makuha pa niyang sabihing masaya na siya SA KAIBIGAN MO? O diba ang martir mo! All this time umaasa ka pa sa loob loob mo na babalik siya, WISH MO LANG! Pero ngayon mas madali na kalimutan siya dahil napatunayan mong ang pinapantasya mo’y walang kwenta. Ngayon napagdugtong-dugtong mo na at nasagot ang katanungan kung sino nga ba ang may kasalanan. Plinano ba nya? Ang galing niya, perfect! Di mo kasi nahalata. Pero at least ngayon alam mo na, na hindi ikaw ang may kasalanan talaga. Hindi mo na kinakailangang ma-guilty pa. Sana ngayon matahimik ka na. Maniwala ba kasi sa Perfect love? No such thing noh! Kaya sa susunod wag ka agad maniwala, “looks can be deceiving” ika nga, o panghawakan mo na “People change” sabi nga ni alpha… move on…..... ......ANNA.....