Monday, March 13, 2006



Konti nalang, tapos na ang first year. At dahil sa mga toxic na gawain, hindi na naming ito mapapansin. Kaya bago pa magkalimutan, magpapasalamat mula ako sa buong block 5. (nxt post is a tribute for all of you), sa stars at sa friendship na binigay ninyo.
Temporary lang ang lahat, kaya ilang araw na lang, it's totally goodbyes. Ang dami rin nating mga kalokohang pinagsamahan. Ang kawirdohan ng marami sa atin na nagpapatunay lang na taga-UP tayo, ang mga kasama kong GC (daw), ang mga AB na patuloy na nakikibaka, ang mga asaran at kabitan na walang katapusan. Nagmarka lahat sa akin. I doubt it kung makalimutan ko pa kayo! Mahirap gawin un noh!
Enough of this, sa next post na para sa inyo, baka wala na akong masabi. The real reason why I jump out of bed to make a post is that, sasabog ako pag di ko ginawa! Ayoko na sa mga huling araw, may tampuhan, may samaan ng loob, di pansinan. Kasi every second now counts. Sayang ang friendship (kung friendship talaga un). Naguguluhan kasi talaga ako, Can anyone help me?
Hinahanapan ko ang sarili ko ng mga dahilan kung bakit sa tingin ng iba nagkamali ako. Yung sa tingin ng iba, naging masama ako. Nasaktan sila. Kasi hindi ko ugaling manakit ng kaibigan! Tinitingnan ko ang bawat galaw ko at pinagiisipan. Hindi ko alam na may nagagawa na pala akong masama. Pero, dun sa mga nakakakilala sa akin, I know and I guess, I am a good friend. Though minsan naiiwan ko kayo, I know where to stand, when to give you space and when to help you. At hobby ko 'yun, to treasure everything na pinagsasamahan natin.
I know may kanya-kanya tayong attitudes, but minsan mahirap maging tunay na friend lalo na kapag ikaw lang ang nag-aasume na meron, o sa ganong level na. Mahihirapan kang i-build up yung friendship na inakala mong matatag. Maybe I just expected na hindi nyo iniisip na mga FC lang tayo na may certain level (dahil were above the sky). Na kaya nating kalimutan, tanggapin ang bawat isa, na kilala natin ang bawat isa, hindi pala. Masakit kasi sa loob ko, ngayon ko lang narinig na may nagagalit sa akin. Nasabi ko na ngang "s**t" na friendship to!
Pero I guess, lahat naman ng relationships even friendships, nagdadaan sa mga ganito, I just need to lessen my expectations and efforts to make this work para hindi naman sumasama ang loob ko. Kung anu lang ang maibigay ko, yun lang. Wish ko lang mabago ko na ugali ko, ang ATTACHMENT eh wag masyadong pairalin, mahirap yan.
Now, I want to clear na tapos na ang kung ano mang galit na nasa dibdib ko pagkatapos ng pinakahuling period ng post na ito. I will try my very best to stick to this friendship na nagbigay ng sobrang kasiyahan sa akin. At infairness to my friends, they are always there to make me smile, and help me. Baka isa lang nga itong pagsubok, immediate reaction lang itong post!
Sana sa mga natitirang araw, maayos na talaga ito. Na matanggap ko na ang lahat! Kasi naman mas mahirap pa atang mawalan ng ganitong friendship, kaysa mawalan at lokohin ng lalake eh! Kasi hindi nmn ganito kabigat 'yung nararamdaman ko nun eh! I luv you guyz! Aayusin ko na buhay ko! (wish ko magawa ko un...)


posted by im.anna at 5:19 PM 4 comments

remember?

Anna.
Seventeen.
University of the Philippines.

time machine

Alfita
Dana
Macar
Maple
Miggy
Paola
Nene
Chowee

shoutbox


memories

January 2006
February 2006
March 2006
August 2006
November 2006

credits

picture host
host
brushes
designer