Wednesday, March 22, 2006

Maingay, bwisit sa buhay, makitid ang pang-unawa, asar at walang konsiderasyon… Lahat na iyan nasabi ko na kay ate. Ang bad ko, pero minsan talagang hinihingi ng pagkakataon. Lagi kaming nagaaway n'yan! Pagsamahin mo ba naman ang dalawang higante sa iisang bahay na may magkaibang ugali, kung walang masaktan, ewan ko na lang!
Araw-araw na lang non, lagi kaming nagsasagutan. Simpleng atake ng katamaran, pinagmumulan ng away, kung nagsimula man yan sa kusina, magtatapos yan sigurado, ang isa nasa sahig na. Malala pa dun, wlang titigil hangga’t walang duguan at hindi kami pinapagalitan o pinapalo nila mama.
Tahimik lang ako, tinitimpi ko ang sarili ko, kasi sabi ni mama "ang panganay hindi sinasaktan!". Therefore, ang pangalawa hanggang sa bunso, pwedeng awayin?
Para kaming kambal na nagkakainggitan, 1 year lang kasi pagitan namin. Ultimo pagbabalot ng libro, kailangan kasing perpekto ng sakanya. Pati itsura ng damit nya dapat parehas kami. Pati nga ang mga awards ko, kahit sa akin, dapat pantay kami ng suot na medalya.
Sinusunod ko siya hanggang sa kayak o. kaya lang, akakatakot pag naipon ang galit ko. 4 years old pa lang ata ako nun minsang inggitin niya ako sa bagong bili nyang gunting na kulay pink (hindi pa yellow ang favorite ko nun). Inaway nya ako at inaway ko rin siya at sa puntong iyon, nabigay ko sa kanya ang pinaka "lasting" na regalong mabibigay ko sa kanya na alam kong hinding-hindi na nya makakalimutan at hindi- hindi na niya mabubura sa kanyang katauhan at iyon ay ang peklat na dulot ng gunting sa kanyang braso. OO, ginupit ko sya, lahat ng galit ko sa kanya, binuhos ko doon. At syempre, sa dami ng galit ko, hindi gawng biro ang lalim at sakit nun.
Nagtaka ako kung bakit pagkalabas ng dugo, at nakita ko siyang umiyak, napatahimik ako at naawa, umiyak din ako. Simula noon bihira ko na syang saktan, nakakatakot. Akala ko kapag nasaktan ko sya, matutuwa na ako, okay na pakiramdam ko, pero hindi eh! Mabigat sa akin hanggang ngayon tuwing nakikita ko si ateng umiiyak.
Yung mga salita ko laban sa kanya, kinakain ko rin kapag nakikita ko na siyang humahagulgol. Matapang sya eh! (sa labas ng bahay) Pinagtatanggol nya ako lagi. Sinusugod nya ung tumawag sa akin ng panget, pandak, maarte. Actually kwinelyuhan nya ang mga lalake at tinarayan ang mga babae. Wonder woman to the rescue! kya nga kapag may nakikipag-away sa akin, ang dialogue ko "lagot kayo kay ate."
Pero sa loob ng bahay, doon lumalabas ang tunay na siya, iyakin at maramdamin. Alam ko kung saan nanggagaling ang hiya nya, ang galit nya, ang sakit na nararamdaman nya, ang failures nya. Lahat yun, alam ko, indirectly galing sa’kin at ako ang nagdulot sa kanya.
Naintindihan ko sya nung sinabi nya saking "IKAW NA NGA MAGING ATE! Tutal mas magaling ka naman db?" Wala akong nasabi, napaluha nlng ako at sinabi sa kanyang, "hindi ate, mas magaling ka dyan eh!"
Kahit anung isipin n’ya gusto ko lang maramdaman niyang hindi ako nakikipagkumpitensya sa kanya. Na nirerespeto ko sya. Na mahal ko sya. Alam ko naman sa kabila ng lahat ng iyon, mahal nya rin ako.
Mahirap maging ate, mahirap maging Kristine. Ate, si Anna lang ako, nakababatang kapatid. Wag ka matakot, hindi ko aagawin ang mundo sa iyo. Handa akong ibahagi sa’yo ang lahat ng meron ako. At alam kong alam mo yun.
Ngayong kaarawan mo, sana nababasa mo ito.
Mahal na mahal kita ate, at nagpapasalamat akong may ate ako, na katulad mo. Idol nga kita eh, masaya man akong ate, alam kong mas masaya akong i-appreciate ang pagiging ate mo sakin. Sa mga ginagawa mo sakin, nakikita ko kung paano maging tunay na ate. Ngayong malayo na kayo, hindi biro ang nawawalang oras na sana'y magkakasama tayo kaya dapat pag umuuwi ako, wag mo na akong aawayin ah! Macho ka rin kasi eh!
Gusto ko na uli humiram ng damit mo, ng bag mo, ng shoes mo, at syempre ng mga gamit ko na nasa iyo! Haha… Miss ko na kasi yung secret sharing natin at syempre ang lahat ng happy moments, kasama na ang pagtulog natin ng 12 hrs sa iisang kama (mga mantika), nag-aagawan ng iisang unan at iisang kumot. (pano singit lang ako.) I miss all of these…More than all, I miss you ate tin…
Tama drama! 19 kn. Tanda mo na rin, parang yung mga ka-block ko, 1 year na lang wala na sa category ng teens. Tanda nyo na!?!!!


Happy b-day ate!!!


posted by im.anna at 4:07 PM 0 comments

remember?

Anna.
Seventeen.
University of the Philippines.

time machine

Alfita
Dana
Macar
Maple
Miggy
Paola
Nene
Chowee

shoutbox


memories

January 2006
February 2006
March 2006
August 2006
November 2006

credits

picture host
host
brushes
designer