Wednesday, November 22, 2006


Sembreak...


Pagkatapos ng halos isang taon ng hindi pag-uwi sa bicol... sobrang na-miss ko silang lahat. Kaya ganun na lang ang saya ko nung nakauwi ako. Bakasyon na bakasyon ang feeling! Malayo sa polusyon, mga reports, sa mga propesor na iba't-iba ang trip. Masaya ang bawat araw... parang ayaw ko na ngang tingnan ang kalendaryo, pero hindi ko maitatagong sandali lang ang break at kinakailangan ko na namang umalis.

Pero nang dumating ang gabi bago ako umalis, nilibot muna ako nila mama at papa sa maraming lugar... walang imposible sa motor namin.. kahit tatlo kami , kasya pa rin! Winish ko na sana laging ganun... pero hindi maaari.

Lalo pa akong nalungkot ng napansin kong tapos na ang trip, at nasa bahay na kami. Isang tulog na lang at paggising ko, BBYe na naman ang sasabihin ko.

Pagkaupo ko sa sofa, habang nasa sala kaming lahat, at ang iba'y halos nakatulog na sa panonood ng PDA, may nakita akong papel sa ilalim ng isang formal theme...

Never na nagpabasa sa akin ng school works yung bunso namin, akala nya kasi siguro tatawanan ko sya.. hindi naman kaya! =>

Buti na lang, tulog sya... draft ng sulating pormal pala nya yun' tungkol sa isang taong hinahanap hanap niya... gusto nyong mabasa? (typed from the original draft.. kaya hindi pa ayos ang sentence construction) FYI: Grade 6 e2... mula nung Grade 1 xa, hindi na kami magkasama



Maraming tao ang nakakasalamuha ko sa aking buhay. Maraming taong nakapaligid sa akin. Marami akong kasama at mga kaibigan, ngunit mayroon pa rin akong taong hinahanap-hanap. Ano ba ito? Sino ba ang taong hinahanao-hanap ko?

Ang taong hinahanap-hanap ko ay isang taong espesyal at malapit sa puso ko ngunit wala siya sa aking tabi. Hinahanap-hanap ko siya dahil gusto ko siyang makasama. Ang taong gusto kong makita ay ang aking ate... Simula noong pagkabata ko, parati kaming nagkakasundo. Sabay naming ginagawa ang lahat ng bagay, sabay na naglalaro at naliligo.

Ngunit sa paglipas ng taon, kailanagn naming maghiwalay dahil mag-aaral si ate sa lugar na malayo sa akin, sa Maynila. Kaya nga hindi na kami nagkikita. Umuuwi lamang siya tuwing bakasyon. Ngunit ilang araw na lamang mula ngayon ay aalis na naman siya. Tuwang-tuwa pa rin naman ako dahil kahit sa maikling sandali, napagsaluhan naming muli ang mga bagay na dati lagi naming ginagawa.

Siya ang nagbibigay inspirasyon sa akin kahit na wala siya sa aking tabi. Alam kong ang mahalaga, kahit wal siya ay nananatili pa rin siya sa aking puso. Gusto ko lamang sanang sabihin sa kanya na hindi lang ATE ang turing ko sa kanya, kundi isa ring KAIBIGAN.


.... naschock ako... natuwa, pero mas naluha... alam kong kailangan niya yung scratch na iyon, pero hindi ko naiwasang ibulsa at dalhin...sana may naipasa sya...

...wala lang,,, share ko lang... na sobrang natuwa ako, lalo na may nagaapreciate sa akin ng totoo...kya luv ko sila eh!!! ;>


posted by im.anna at 9:55 PM 2 comments

remember?

Anna.
Seventeen.
University of the Philippines.

time machine

Alfita
Dana
Macar
Maple
Miggy
Paola
Nene
Chowee

shoutbox


memories

January 2006
February 2006
March 2006
August 2006
November 2006

credits

picture host
host
brushes
designer