Saturday, February 25, 2006


Isa lang siyang ordinaryong tao sa buhay mo nang halos ilang taon din. Kabarkada, wirdong kaibigan, korny at pasaway. Nagtataka ka pa noong una kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya, eh ayaw mo pa naman sa lahat, yung korny at di nagseseryo sa mga bagay-bagay. Alam mo sa sarili mong di malayong magkagusto ka rin sa kanya kung seryoso lang siya.Mayroon ka noong minamahal (more suited) partner, na ibang-iba sa kanya, isang lalakeng nasa pangainip mo talaga dream boy ika nga.
Isang araw, nag-iba agad ang pakiramdam mo nang sinabi niya sa iyong gusto ka niya. Nagulat ka man at nabigla ng todo, naguluhan ka. Hindi mo alam kung anung mararamdaman. Bakit ka nga ba naguguluhan, ibig sabihin ba’y ganoon ka na rin sa kanya? Paano na ung isa?
Nalunod ka sa pangako at paniniwala ang sariling IBA SIYA, kaya napamahal at tinaggap siya sa iyong buhay. Pinadalaw sa bahay, inilapit sa mga kaibigan, pinakilala sa magulang, isang bagay na hindi mo ginawa sa iba. Pinilit mong sakyan ang pagkakaiba ninyo,Pero inisip mong tama kung mas pipiliin mo yung kilala mo na, ung mas nakasama mo ng matagal. Kaya iniwan mo ang gumaganda mong relasyon para sa kanya.
Gaya ng iba mo pang supposed relationships, hindi pa pwedeng maging kayo. Kasi ayaw ng parents mo, (pero sa totoo takot ka lang siguro). Pero pinuno ka niya ng pangakong maghihintay siya at magmamahal sabihin man ng ibang di iyon magtatagal.
pinaglaban sa lahat ng gumugulo. Nagpapakasaya kayo at tuwing magkasama’y nakakalimutan ang magulong mundo. Masaya kang kasama siya, at mukhang ganoon din naman ang pakiramdam niya.
Ngayon, habang tumatagal, akala mo, totoo pa rin ang sagot nyang OKAY LANG ANG LAHAT BASTA IKAW. Dumaan ang mga araw na natakot ka nalang na makipaguap, dahil baka marinig mo na ang mga salitang ayaw mong marinig sa kanya. Ayaw mo siyang makitang magpaalam at iwanan ka.
Ngunit di mo hawak ang mga pagkakataon, pinilit mong umiwas sa mga usapan, kapag alam na ang kahahantungan. Nararamdaman mong parang ayaw na niya, nagtatanong ka kung anong problema pero ganon pa rin ang sagot niya. Inakala mong siya na, na kaya niya, nakalimutan mong di siya si super man at hindi
ikaw
ang diyosa ng kagandahan.
Dumating na ang araw na hiniling mong dina sana dumating, bago magtakip silim, nang inaagaw na ng gabi ang kalangitan, kasabay nito ang kanyang pamamaalam. Parang ang bilis gumabi at sa isang saglit tuluyang dumilim ang iyong paligid, napapikit, ngunit pinakita mong matapang ka, nakuha mo pang sabihin ang mga katagang “Paalam at Salamat na lang ha!” Mga katagang hindi mo man lang inisip na sasabihin mo, ngayon pang parang hindi mo kayang mawalay siya sa iyo.
OO, kasalanan mo, dahil hindi nya naramdaman ang pag-ibig mo. Na pinakawalan mo ang isang taong nagmahal sa iyo (totoo nga bang nagmahal siya?). Hindi lang nga ba kayo para sa isa’t-isa at kahit ginawa mo na ang lahat, di pa rin naging sapat?


*Ang post na ito’y supposed to be posted last month pa… nadugtungan tuloy

Inakala mong tapos na, sa lahat ng sakit ay nakatakas ka na. Balewala na sa iyo anu pang mangyari sa kanya. Tinaggap na ang lahat at tuluyan na siyang binura. Ngunit bakit ganun? Tama bang sirain ang araw ng mga puso mo? Na sa araw na iyo’y makuha pa niyang sabihing masaya na siya SA KAIBIGAN MO? O diba ang martir mo! All this time umaasa ka pa sa loob loob mo na babalik siya, WISH MO LANG!
Pero ngayon mas madali na kalimutan siya dahil napatunayan mong ang pinapantasya mo’y walang kwenta. Ngayon napagdugtong-dugtong mo na at nasagot ang katanungan kung sino nga ba ang may kasalanan.
Plinano ba nya? Ang galing niya, perfect! Di mo kasi nahalata. Pero at least ngayon alam mo na, na hindi ikaw ang may kasalanan talaga. Hindi mo na kinakailangang ma-guilty pa. Sana ngayon matahimik ka na. Maniwala ba kasi sa Perfect love? No such thing noh! Kaya sa susunod wag ka agad maniwala, “looks can be deceiving” ika nga, o panghawakan mo na “People change” sabi nga ni alpha… move on….....

......ANNA.....


posted by im.anna at 3:56 AM 5 comments


Sunday, February 05, 2006

“Lab Istori ni Pusong”

Ako si Pusong. kagabi,nanaginip ako,magkasama tayong muli…pabigla mo kong binati ng makislap mong ngiti. Sa panahong yon,agad kong napagtantong tapos na rin ang nakaririmarim na paghihintay ko. Gayun pa man,di ko naman ito pinagsisihan pagkat alam ko ang halaga ng nitong pananalig ko…magkahawak ang mga palad natin habang naglalakad taglay ang walang tumpik na kagalakan…hanggang sa tayo’y naupo,nagbalik tanaw sa matamis nating kahapon…ang mga bagay na ating iniwan ay muli nating sasariwain at pagsasaluhan. Sa bawat pag sambit mo ng salita, pagnamnam ko sa himig ng iyong tinig ay abot langit. Sa bawat paghaplos ng hangin ay aking nilalanghap ang iyong halimuyak. Sa bawat pagsulyap ng yong malabrilyanteng mga mata,pagtunaw ko’y wari baga’y isang kandila. Sa bawat pagdampi ng yong magaspang na palad, tindig ko’y sumusuko sa matinding panghihina. Sa mga halakhakan natin,sa mga barahan natin,sa mga pagbibiruan natin,sa mga pangarap na minsang binuo natin, alam kong ito’y bunga lamang ng kapangyarihan ni Kupido. At sa pagtindig natin para sa hinaharap, susuungin natin ang mga alon ng kanilang mga hamon, ating babatain ang kanilang mga paninira, at ating silang pagtatagumpayan…ito’y inalay ko sa’yo…

“Tinanong mo”

Tinanong mo, ang bagay na gustong malaman
Mga nagdudulot sa’yong agam-agam
Kasaguta’y akin namang di ipag-aalangan

Iyo sanang ipagwalang bahala,
Sapagkat sa’kin ay wala nang iba.
Ito’y di mo dapat ipag-alala

Sapagkat sa’yo lang nakasalalay aking ligaya
Aking giliw, ibig kong iyong ipaghinuha,
Na ang pag-ibig ko sa iyo’y inalay na..

Tinanong mo, ano’t sino sa’kin makakapagpasuko..
Wala liban sa may kapal pagkat mundo ko’y maguguho
Kapag ako’y sa iyo nalayo..

Balang araw tayo ri’y makakalaya.
Anuman sabihin nila’y di na mahalaga,
Dahil sa pag-ibig tayo’y mapagparaya.

Hanggang pagtanda’y di titigil aking panliligaw.
Kamatayan lang ang siyang makapagbibitaw
Sa sumpang aking sinambit minsan sa ating mga araw…

Gumising akong lason sa maling pag-aakala, namulat mula sa isang pangarap na di na kailanman maaaring kamtin. Ipinagtatanto ang maginaw na kalungkutan ng pag-iisa. Mga pagdududa di ka babalik ay isinakabilang-buhay ko na. At aking tinanaw ang mapanglaw na tanawin sa labas ng rehas ng aking bintana’t patuloy pa ring nananaginip sa ‘yong pagbabalik…

-Tapos na-
*This was written by Adrian Monera (a dear friend) =>


posted by im.anna at 5:40 PM 2 comments


Wednesday, February 01, 2006

Kaibigan:

Kasama sa saya, sa kalokohan, sa kulitan
Kasama sa lungkot at pasasayahin ka
Kahit sa kulitan, nabubugbog na
Kinabukasan, go sige, isang round pa!

Ang tutulong sayo pag gipit ka
Ang aaway sa’yo pag may topak ka
Ang magpapaalala sa iyo “pahinga ka muna”
Ang magpapahalaga sa iyo ng sobra-sobra

Inaamin ko marami na ako nito
Isa, dalawa… di na mabilang eh pero,
Iilan lang ang totoo, mabibilang ko lang sa isang kamay ko
Ilan nga ba? Di ko sigurado.

Baka nga naman totoo, “PEOPLE CHANGE”
Baka kaya di nagtatagal dahil nagbabago
Baka kaya di na totoo, ang pagkakaibigang ito
Baka kaya pangbabalewala nalang nararamdman ko.

Inaasar, binabara, niloloko, normal lang iyan
Inaalipusta, basta di binabalewala okay na
Iwanan na nga ba?
Ilang beses na ba? Sanayan nalang ata.

Ganun na lamang ang kahihinatnan
Gasino lang naman ang oras na inilaan
Galit ako? Hindi… wala naman akong magagawa
Gawin ko mang magpapansin, wala naman na!

Asar ako, di ko alam kung bakit.
Alam ko lahat tayo magkakaibigan ngunit bakit?
Ang gulo ng dating sa akin.
Ano? Magkaibigan ba tayo o hindi?

Nothing’s permanent alam ko,
Ngunit bakit feeling ko unfair ito.
Nagiging paranaoid lang siguro ako
Ngayong pawala na ang pagkakaibigang pinahalagahan ko.


posted by im.anna at 11:40 PM 2 comments

remember?

Anna.
Seventeen.
University of the Philippines.

time machine

Alfita
Dana
Macar
Maple
Miggy
Paola
Nene
Chowee

shoutbox


memories

January 2006
February 2006
March 2006
August 2006
November 2006

credits

picture host
host
brushes
designer