Friday, March 24, 2006


block 5! Mga Devis from the development studies Program. 1st year turning 2nd year students w/ student numbers 2005, at xmpre kasama pa rin ung kay mommy ruthy (di ko lang alam year).

Blockmates:(isa isa,,, next post uli)

Lovers:(i rank natin!)
1st honors
:Jerelle Tria, 2nd honors: Immanuel 3rd:Karl
(partners that may have separated, but still, may past)walang kokontra!
Imman&Jelle, Imman&Joarlyn, Imman&Nhey, Imman&alpha, Imman&many others... Jelle&Karl, Jelle&Imman, Jelle&Ralph, Jelle&many others... Karl&Joarlyn, Karl&Bea, Karl&Justine, Karl&others that are secret..hihi
ay mali,,,e2 pa,humahabol for honors, Miguel Echanis! Accelerated and over qualified!: w/ jerelle nhey,chivine,macar,maple,(unfortunately I am included)but d legal wife,,hindi isa sa amin. *note: may mga taong hindi included...(for the sake na hindi manganib ang buhay nila kay Jerelle),,,
The unbeatable couple:(our pride)Chowee&RC..(may they have all the happiness & best wishes na rin sa magbeshie na ito!)
The loveliest mommy: mommy ruthy!

Vocabulary:
"emsoree", "kumustah ka nmn?" "ehe", "teka lang lang, teka lang ah!pwede?", "ayoko ko nang magsori!", "zip it guyz,zip it!","i love you ebe!", "sira na ang friendship", "ayan na eh!", "ahey!", "pwedeng magsori?", "ang tanong eh, maysisirain pa ba?,(friendship)","ang macho mo talaga tae!", "tae kayo!", "bakla ka!", "ibalik nyo si migi!", "kabit ka lang!", "masama bang magalit?", "ampota naman eh", "ampf!", "ayan ka nnman eh!", "kaya ka nawawalan ng kaibigan eh!", "makibaka!wag matakot!","no to UP budget cut!", "ayy!", "from what skul kayo?", "of all people,,,", yung iba "psst...anong sagot d2?", "korneee", "hay nku,e2 nanaman sya!", "please lang ah!", "helooo!", "PHD ka na! Doctorate pa nga eh!", "boket,masoket", "people change"(s#!t i2!), "there are things better left unspoken"(s#!t din i2!), "ay t@ng-na naman eh", "ay pucca!","pchincha,pachincha!", "churi,churi!", "badtrip!", "ate..ate", "anung poblema mo?", "bakit andrama mo!", "aeineku!", "psensya, pasenya!", "lost ka na", "kaya mo na yan!", "laki ng problema mo ah!", "umayos ka!"... may ihahabol pa ba kayo?

Professors favorite expressions:
(bahala na kayong umalala noh!: "relax, relax!", "do't panic, dont panic!", "ang galing eh noh (*laughs w/ a scary tone)!", "bawal ang Public display of affection dito!", "Goodmorning ladies and gentlemen, get 1 whole sheet of paper!", "there's no destiny!(narinig mo un alf, nhey at migi?)", "okay, ammm, no.2-15, the towns in Cavite!", "nasa book naman yang mga examples, "ayaw ko na nga magturo nxt sem eh!", "yes ms. b-la--en-o?!", "yes, the theory of relativity (sabay tulog)meow!,"helloooo,,,okay ka lang?", "the espisissss", "bato, bato bato", "bonds,bonds, bonds", "mawawala ako ng isang buwan", "ang aking Iglesia ng butas", "i expected so much, so hindi pa pala 2 na take up, pinsan???", "The only constant thing in this world is change!","Life is an argument", "kukurikapu, baktol!", "life is a trade-off", "ang galing nito oh,, kahit...(pertaining to Mel habang nagjujumping rope), "kahit matuto lang kayo kung paano tumira ng shuttle cock, okay na", e2 ang pamatay,,, "Mr.Echanis, hindi ba kayo ni Ms. Emata?"...haha!kya nasisira ang frendship eh,, sya ang may sala!haha..jowk

Outfits:
"bee-gees motif", "vintage", penshoppe blouses, UP shirts, shades, human, rubber, tsinelas to the max, formal attire plus sandamukal na books on hand, jackets whether cold or not, mga makalaglag tengang earrings.
applauded ang mga fashion shockers: Patit, Nhey (tae 2 eh!), Alpha, Gelai, Maple (sna wala akong nalimutan)

Hirits:
patay na xa!(daliri ni alpha sa paa), walang katapusang "_____,anu ung___?(mga "t@#g@^g" tanong daw ni Imman", "hiwalay na tayo!", "minomolestya mo nnmn ako!", paa ni big bird?(w/the proper intonation!), "mas maganda na yon KASA iba noh!", "Oh, Macar!PHD ka, dapat alam mo yan!", "Hindi keya?!", "i dont want to grow up"- alpha, ayan na eh! kya hindi nalaki eh! haha. And for the grand finale..."Pearl honey...(paturo kau kay jelle kung panu basahin w/ feelings, hehe).. may mas malupet pa pla! "ay!db yan yung kanta ng pussy cat girls? (pertaining to the song), ung don't u know ur girlfriend was hot like me?" haha... imagine may nagsabi nyan ah! taga-block 5, tae tlga! haha

Stars & friendship:
stars just don't fade away...lahat ng friendships, noon at ngayon, lahat yun, each and every gang na meron sa block, di ko man msyadong nalapitan, i value each of you. (stars...nxt post minamadali kasi ako ng isang tao) ... sabihin man nilang sira na ang frendship, patuloy parin nitong bubuuhin ang kanyang sarili.

Learnings:
Alamin ang kaibahan ng emmerse sa emerge ha Gelai? Alamin ang pronounciation ng Les Miserables (haha). Okay lang magsinungaling sa age, gaya ng ginagawa nila Major Miggy, RJ and Macar.People change and things better left unspoken ay mga s#!t words.Wag magseryoso sa buhay, lalo na pag di ka sineseryoso. Wag seryosohin ang mga sinasabi ni Imman, mababaliw ka lang. Umiwas sa mga nakakatusok na mga buto (tulad ng kay Jell). UP is full of intelligent, sometimes weird but always wacky and jolly cool people. Ready for everything, at sa block 5, nandun lahat ng kasiyahan! Kahit ba, iisa ang record natin sa mga prof. bilang isang maingay na block, at least nakapagsaya tayo! luv yah guyz.. khit isa sa inyo, khit si Dory na umalis na, hindi ko na mabubura sa sarili ko. Separate ways man ang maging drama tlga natin, "magkikita-kita pa rin tayo sa finals(sa working world)."


posted by im.anna at 4:15 AM 18 comments


Wednesday, March 22, 2006

Maingay, bwisit sa buhay, makitid ang pang-unawa, asar at walang konsiderasyon… Lahat na iyan nasabi ko na kay ate. Ang bad ko, pero minsan talagang hinihingi ng pagkakataon. Lagi kaming nagaaway n'yan! Pagsamahin mo ba naman ang dalawang higante sa iisang bahay na may magkaibang ugali, kung walang masaktan, ewan ko na lang!
Araw-araw na lang non, lagi kaming nagsasagutan. Simpleng atake ng katamaran, pinagmumulan ng away, kung nagsimula man yan sa kusina, magtatapos yan sigurado, ang isa nasa sahig na. Malala pa dun, wlang titigil hangga’t walang duguan at hindi kami pinapagalitan o pinapalo nila mama.
Tahimik lang ako, tinitimpi ko ang sarili ko, kasi sabi ni mama "ang panganay hindi sinasaktan!". Therefore, ang pangalawa hanggang sa bunso, pwedeng awayin?
Para kaming kambal na nagkakainggitan, 1 year lang kasi pagitan namin. Ultimo pagbabalot ng libro, kailangan kasing perpekto ng sakanya. Pati itsura ng damit nya dapat parehas kami. Pati nga ang mga awards ko, kahit sa akin, dapat pantay kami ng suot na medalya.
Sinusunod ko siya hanggang sa kayak o. kaya lang, akakatakot pag naipon ang galit ko. 4 years old pa lang ata ako nun minsang inggitin niya ako sa bagong bili nyang gunting na kulay pink (hindi pa yellow ang favorite ko nun). Inaway nya ako at inaway ko rin siya at sa puntong iyon, nabigay ko sa kanya ang pinaka "lasting" na regalong mabibigay ko sa kanya na alam kong hinding-hindi na nya makakalimutan at hindi- hindi na niya mabubura sa kanyang katauhan at iyon ay ang peklat na dulot ng gunting sa kanyang braso. OO, ginupit ko sya, lahat ng galit ko sa kanya, binuhos ko doon. At syempre, sa dami ng galit ko, hindi gawng biro ang lalim at sakit nun.
Nagtaka ako kung bakit pagkalabas ng dugo, at nakita ko siyang umiyak, napatahimik ako at naawa, umiyak din ako. Simula noon bihira ko na syang saktan, nakakatakot. Akala ko kapag nasaktan ko sya, matutuwa na ako, okay na pakiramdam ko, pero hindi eh! Mabigat sa akin hanggang ngayon tuwing nakikita ko si ateng umiiyak.
Yung mga salita ko laban sa kanya, kinakain ko rin kapag nakikita ko na siyang humahagulgol. Matapang sya eh! (sa labas ng bahay) Pinagtatanggol nya ako lagi. Sinusugod nya ung tumawag sa akin ng panget, pandak, maarte. Actually kwinelyuhan nya ang mga lalake at tinarayan ang mga babae. Wonder woman to the rescue! kya nga kapag may nakikipag-away sa akin, ang dialogue ko "lagot kayo kay ate."
Pero sa loob ng bahay, doon lumalabas ang tunay na siya, iyakin at maramdamin. Alam ko kung saan nanggagaling ang hiya nya, ang galit nya, ang sakit na nararamdaman nya, ang failures nya. Lahat yun, alam ko, indirectly galing sa’kin at ako ang nagdulot sa kanya.
Naintindihan ko sya nung sinabi nya saking "IKAW NA NGA MAGING ATE! Tutal mas magaling ka naman db?" Wala akong nasabi, napaluha nlng ako at sinabi sa kanyang, "hindi ate, mas magaling ka dyan eh!"
Kahit anung isipin n’ya gusto ko lang maramdaman niyang hindi ako nakikipagkumpitensya sa kanya. Na nirerespeto ko sya. Na mahal ko sya. Alam ko naman sa kabila ng lahat ng iyon, mahal nya rin ako.
Mahirap maging ate, mahirap maging Kristine. Ate, si Anna lang ako, nakababatang kapatid. Wag ka matakot, hindi ko aagawin ang mundo sa iyo. Handa akong ibahagi sa’yo ang lahat ng meron ako. At alam kong alam mo yun.
Ngayong kaarawan mo, sana nababasa mo ito.
Mahal na mahal kita ate, at nagpapasalamat akong may ate ako, na katulad mo. Idol nga kita eh, masaya man akong ate, alam kong mas masaya akong i-appreciate ang pagiging ate mo sakin. Sa mga ginagawa mo sakin, nakikita ko kung paano maging tunay na ate. Ngayong malayo na kayo, hindi biro ang nawawalang oras na sana'y magkakasama tayo kaya dapat pag umuuwi ako, wag mo na akong aawayin ah! Macho ka rin kasi eh!
Gusto ko na uli humiram ng damit mo, ng bag mo, ng shoes mo, at syempre ng mga gamit ko na nasa iyo! Haha… Miss ko na kasi yung secret sharing natin at syempre ang lahat ng happy moments, kasama na ang pagtulog natin ng 12 hrs sa iisang kama (mga mantika), nag-aagawan ng iisang unan at iisang kumot. (pano singit lang ako.) I miss all of these…More than all, I miss you ate tin…
Tama drama! 19 kn. Tanda mo na rin, parang yung mga ka-block ko, 1 year na lang wala na sa category ng teens. Tanda nyo na!?!!!


Happy b-day ate!!!


posted by im.anna at 4:07 PM 0 comments


Monday, March 13, 2006



Konti nalang, tapos na ang first year. At dahil sa mga toxic na gawain, hindi na naming ito mapapansin. Kaya bago pa magkalimutan, magpapasalamat mula ako sa buong block 5. (nxt post is a tribute for all of you), sa stars at sa friendship na binigay ninyo.
Temporary lang ang lahat, kaya ilang araw na lang, it's totally goodbyes. Ang dami rin nating mga kalokohang pinagsamahan. Ang kawirdohan ng marami sa atin na nagpapatunay lang na taga-UP tayo, ang mga kasama kong GC (daw), ang mga AB na patuloy na nakikibaka, ang mga asaran at kabitan na walang katapusan. Nagmarka lahat sa akin. I doubt it kung makalimutan ko pa kayo! Mahirap gawin un noh!
Enough of this, sa next post na para sa inyo, baka wala na akong masabi. The real reason why I jump out of bed to make a post is that, sasabog ako pag di ko ginawa! Ayoko na sa mga huling araw, may tampuhan, may samaan ng loob, di pansinan. Kasi every second now counts. Sayang ang friendship (kung friendship talaga un). Naguguluhan kasi talaga ako, Can anyone help me?
Hinahanapan ko ang sarili ko ng mga dahilan kung bakit sa tingin ng iba nagkamali ako. Yung sa tingin ng iba, naging masama ako. Nasaktan sila. Kasi hindi ko ugaling manakit ng kaibigan! Tinitingnan ko ang bawat galaw ko at pinagiisipan. Hindi ko alam na may nagagawa na pala akong masama. Pero, dun sa mga nakakakilala sa akin, I know and I guess, I am a good friend. Though minsan naiiwan ko kayo, I know where to stand, when to give you space and when to help you. At hobby ko 'yun, to treasure everything na pinagsasamahan natin.
I know may kanya-kanya tayong attitudes, but minsan mahirap maging tunay na friend lalo na kapag ikaw lang ang nag-aasume na meron, o sa ganong level na. Mahihirapan kang i-build up yung friendship na inakala mong matatag. Maybe I just expected na hindi nyo iniisip na mga FC lang tayo na may certain level (dahil were above the sky). Na kaya nating kalimutan, tanggapin ang bawat isa, na kilala natin ang bawat isa, hindi pala. Masakit kasi sa loob ko, ngayon ko lang narinig na may nagagalit sa akin. Nasabi ko na ngang "s**t" na friendship to!
Pero I guess, lahat naman ng relationships even friendships, nagdadaan sa mga ganito, I just need to lessen my expectations and efforts to make this work para hindi naman sumasama ang loob ko. Kung anu lang ang maibigay ko, yun lang. Wish ko lang mabago ko na ugali ko, ang ATTACHMENT eh wag masyadong pairalin, mahirap yan.
Now, I want to clear na tapos na ang kung ano mang galit na nasa dibdib ko pagkatapos ng pinakahuling period ng post na ito. I will try my very best to stick to this friendship na nagbigay ng sobrang kasiyahan sa akin. At infairness to my friends, they are always there to make me smile, and help me. Baka isa lang nga itong pagsubok, immediate reaction lang itong post!
Sana sa mga natitirang araw, maayos na talaga ito. Na matanggap ko na ang lahat! Kasi naman mas mahirap pa atang mawalan ng ganitong friendship, kaysa mawalan at lokohin ng lalake eh! Kasi hindi nmn ganito kabigat 'yung nararamdaman ko nun eh! I luv you guyz! Aayusin ko na buhay ko! (wish ko magawa ko un...)


posted by im.anna at 5:19 PM 4 comments

remember?

Anna.
Seventeen.
University of the Philippines.

time machine

Alfita
Dana
Macar
Maple
Miggy
Paola
Nene
Chowee

shoutbox


memories

January 2006
February 2006
March 2006
August 2006
November 2006

credits

picture host
host
brushes
designer