Wednesday, November 22, 2006


Sembreak...


Pagkatapos ng halos isang taon ng hindi pag-uwi sa bicol... sobrang na-miss ko silang lahat. Kaya ganun na lang ang saya ko nung nakauwi ako. Bakasyon na bakasyon ang feeling! Malayo sa polusyon, mga reports, sa mga propesor na iba't-iba ang trip. Masaya ang bawat araw... parang ayaw ko na ngang tingnan ang kalendaryo, pero hindi ko maitatagong sandali lang ang break at kinakailangan ko na namang umalis.

Pero nang dumating ang gabi bago ako umalis, nilibot muna ako nila mama at papa sa maraming lugar... walang imposible sa motor namin.. kahit tatlo kami , kasya pa rin! Winish ko na sana laging ganun... pero hindi maaari.

Lalo pa akong nalungkot ng napansin kong tapos na ang trip, at nasa bahay na kami. Isang tulog na lang at paggising ko, BBYe na naman ang sasabihin ko.

Pagkaupo ko sa sofa, habang nasa sala kaming lahat, at ang iba'y halos nakatulog na sa panonood ng PDA, may nakita akong papel sa ilalim ng isang formal theme...

Never na nagpabasa sa akin ng school works yung bunso namin, akala nya kasi siguro tatawanan ko sya.. hindi naman kaya! =>

Buti na lang, tulog sya... draft ng sulating pormal pala nya yun' tungkol sa isang taong hinahanap hanap niya... gusto nyong mabasa? (typed from the original draft.. kaya hindi pa ayos ang sentence construction) FYI: Grade 6 e2... mula nung Grade 1 xa, hindi na kami magkasama



Maraming tao ang nakakasalamuha ko sa aking buhay. Maraming taong nakapaligid sa akin. Marami akong kasama at mga kaibigan, ngunit mayroon pa rin akong taong hinahanap-hanap. Ano ba ito? Sino ba ang taong hinahanao-hanap ko?

Ang taong hinahanap-hanap ko ay isang taong espesyal at malapit sa puso ko ngunit wala siya sa aking tabi. Hinahanap-hanap ko siya dahil gusto ko siyang makasama. Ang taong gusto kong makita ay ang aking ate... Simula noong pagkabata ko, parati kaming nagkakasundo. Sabay naming ginagawa ang lahat ng bagay, sabay na naglalaro at naliligo.

Ngunit sa paglipas ng taon, kailanagn naming maghiwalay dahil mag-aaral si ate sa lugar na malayo sa akin, sa Maynila. Kaya nga hindi na kami nagkikita. Umuuwi lamang siya tuwing bakasyon. Ngunit ilang araw na lamang mula ngayon ay aalis na naman siya. Tuwang-tuwa pa rin naman ako dahil kahit sa maikling sandali, napagsaluhan naming muli ang mga bagay na dati lagi naming ginagawa.

Siya ang nagbibigay inspirasyon sa akin kahit na wala siya sa aking tabi. Alam kong ang mahalaga, kahit wal siya ay nananatili pa rin siya sa aking puso. Gusto ko lamang sanang sabihin sa kanya na hindi lang ATE ang turing ko sa kanya, kundi isa ring KAIBIGAN.


.... naschock ako... natuwa, pero mas naluha... alam kong kailangan niya yung scratch na iyon, pero hindi ko naiwasang ibulsa at dalhin...sana may naipasa sya...

...wala lang,,, share ko lang... na sobrang natuwa ako, lalo na may nagaapreciate sa akin ng totoo...kya luv ko sila eh!!! ;>


posted by im.anna at 9:55 PM 2 comments


Friday, August 18, 2006

Bakit...Ang hirap magpost sa blog?

Wala ka talagang isshare o ayaw mong magshare...(madamot)


Nakadorm ka at wala kang PC dun, plus nangunguripot ka pa mag-net sa computer shop.


Toxic at hell week. ('Yung tipong nosebleed ka na wala pang lumalabas sa ulo kahit taktakin pa!)

Wala kang tulog dahil sa ion at kape.


Iniisip ang iyong bhoylet at wala nang iba.


Inaantok na pag-uwi sa pagod di lang sa biyahe kundi sa kakasunod sa mga kulay (e.g. orange).


Sira ang daliri mo at di ka makatype dahil napunit ang kuko mo sa kaka-bowling.


Mahirap kung hindi ka makadecide from all those bhoylets kung sino ang iintindihin mo.(di ba j--e--e?,,, nararanasan mo din 'to di ba? Ang hirap!)


Laging iisa ang mga pangyayari sa bawat araw… walang bago ika nga (e.g. auntie anne's ngayon, auntie anne's bukas kung hindi,,, gbox is the place to be...).


Badtrip ka sa mga kaklase mong hindi ka tinitigilang kawawain (malamang hindi magandang magpost ka ng grievances =>)


Kasi nakakatakot baka mali ang spelling o grammar mo.


Baka none sense para sa kanila.


Kakatakot kasing walang magcomment.


Tinatamad ka


Gusto mong sarilihin ang kagitlagitlang mga pangyayari. (e.g. 18th bday mo!) ‘Yung tipong hindi ka na makatype sa sobrang tuwa, parang naabot mo na ang nirvana! Haha)


At ang pinakamalupet pa dyan! Hindi mo mabuksan ang sarili mong blogspot.


At yan ang mga pinagsama-samang excuses kung bakit anong petsa na, ngayon pa lang ako nagpost. => Any violent reaction?



posted by im.anna at 9:15 AM 6 comments


Friday, March 24, 2006


block 5! Mga Devis from the development studies Program. 1st year turning 2nd year students w/ student numbers 2005, at xmpre kasama pa rin ung kay mommy ruthy (di ko lang alam year).

Blockmates:(isa isa,,, next post uli)

Lovers:(i rank natin!)
1st honors
:Jerelle Tria, 2nd honors: Immanuel 3rd:Karl
(partners that may have separated, but still, may past)walang kokontra!
Imman&Jelle, Imman&Joarlyn, Imman&Nhey, Imman&alpha, Imman&many others... Jelle&Karl, Jelle&Imman, Jelle&Ralph, Jelle&many others... Karl&Joarlyn, Karl&Bea, Karl&Justine, Karl&others that are secret..hihi
ay mali,,,e2 pa,humahabol for honors, Miguel Echanis! Accelerated and over qualified!: w/ jerelle nhey,chivine,macar,maple,(unfortunately I am included)but d legal wife,,hindi isa sa amin. *note: may mga taong hindi included...(for the sake na hindi manganib ang buhay nila kay Jerelle),,,
The unbeatable couple:(our pride)Chowee&RC..(may they have all the happiness & best wishes na rin sa magbeshie na ito!)
The loveliest mommy: mommy ruthy!

Vocabulary:
"emsoree", "kumustah ka nmn?" "ehe", "teka lang lang, teka lang ah!pwede?", "ayoko ko nang magsori!", "zip it guyz,zip it!","i love you ebe!", "sira na ang friendship", "ayan na eh!", "ahey!", "pwedeng magsori?", "ang tanong eh, maysisirain pa ba?,(friendship)","ang macho mo talaga tae!", "tae kayo!", "bakla ka!", "ibalik nyo si migi!", "kabit ka lang!", "masama bang magalit?", "ampota naman eh", "ampf!", "ayan ka nnman eh!", "kaya ka nawawalan ng kaibigan eh!", "makibaka!wag matakot!","no to UP budget cut!", "ayy!", "from what skul kayo?", "of all people,,,", yung iba "psst...anong sagot d2?", "korneee", "hay nku,e2 nanaman sya!", "please lang ah!", "helooo!", "PHD ka na! Doctorate pa nga eh!", "boket,masoket", "people change"(s#!t i2!), "there are things better left unspoken"(s#!t din i2!), "ay t@ng-na naman eh", "ay pucca!","pchincha,pachincha!", "churi,churi!", "badtrip!", "ate..ate", "anung poblema mo?", "bakit andrama mo!", "aeineku!", "psensya, pasenya!", "lost ka na", "kaya mo na yan!", "laki ng problema mo ah!", "umayos ka!"... may ihahabol pa ba kayo?

Professors favorite expressions:
(bahala na kayong umalala noh!: "relax, relax!", "do't panic, dont panic!", "ang galing eh noh (*laughs w/ a scary tone)!", "bawal ang Public display of affection dito!", "Goodmorning ladies and gentlemen, get 1 whole sheet of paper!", "there's no destiny!(narinig mo un alf, nhey at migi?)", "okay, ammm, no.2-15, the towns in Cavite!", "nasa book naman yang mga examples, "ayaw ko na nga magturo nxt sem eh!", "yes ms. b-la--en-o?!", "yes, the theory of relativity (sabay tulog)meow!,"helloooo,,,okay ka lang?", "the espisissss", "bato, bato bato", "bonds,bonds, bonds", "mawawala ako ng isang buwan", "ang aking Iglesia ng butas", "i expected so much, so hindi pa pala 2 na take up, pinsan???", "The only constant thing in this world is change!","Life is an argument", "kukurikapu, baktol!", "life is a trade-off", "ang galing nito oh,, kahit...(pertaining to Mel habang nagjujumping rope), "kahit matuto lang kayo kung paano tumira ng shuttle cock, okay na", e2 ang pamatay,,, "Mr.Echanis, hindi ba kayo ni Ms. Emata?"...haha!kya nasisira ang frendship eh,, sya ang may sala!haha..jowk

Outfits:
"bee-gees motif", "vintage", penshoppe blouses, UP shirts, shades, human, rubber, tsinelas to the max, formal attire plus sandamukal na books on hand, jackets whether cold or not, mga makalaglag tengang earrings.
applauded ang mga fashion shockers: Patit, Nhey (tae 2 eh!), Alpha, Gelai, Maple (sna wala akong nalimutan)

Hirits:
patay na xa!(daliri ni alpha sa paa), walang katapusang "_____,anu ung___?(mga "t@#g@^g" tanong daw ni Imman", "hiwalay na tayo!", "minomolestya mo nnmn ako!", paa ni big bird?(w/the proper intonation!), "mas maganda na yon KASA iba noh!", "Oh, Macar!PHD ka, dapat alam mo yan!", "Hindi keya?!", "i dont want to grow up"- alpha, ayan na eh! kya hindi nalaki eh! haha. And for the grand finale..."Pearl honey...(paturo kau kay jelle kung panu basahin w/ feelings, hehe).. may mas malupet pa pla! "ay!db yan yung kanta ng pussy cat girls? (pertaining to the song), ung don't u know ur girlfriend was hot like me?" haha... imagine may nagsabi nyan ah! taga-block 5, tae tlga! haha

Stars & friendship:
stars just don't fade away...lahat ng friendships, noon at ngayon, lahat yun, each and every gang na meron sa block, di ko man msyadong nalapitan, i value each of you. (stars...nxt post minamadali kasi ako ng isang tao) ... sabihin man nilang sira na ang frendship, patuloy parin nitong bubuuhin ang kanyang sarili.

Learnings:
Alamin ang kaibahan ng emmerse sa emerge ha Gelai? Alamin ang pronounciation ng Les Miserables (haha). Okay lang magsinungaling sa age, gaya ng ginagawa nila Major Miggy, RJ and Macar.People change and things better left unspoken ay mga s#!t words.Wag magseryoso sa buhay, lalo na pag di ka sineseryoso. Wag seryosohin ang mga sinasabi ni Imman, mababaliw ka lang. Umiwas sa mga nakakatusok na mga buto (tulad ng kay Jell). UP is full of intelligent, sometimes weird but always wacky and jolly cool people. Ready for everything, at sa block 5, nandun lahat ng kasiyahan! Kahit ba, iisa ang record natin sa mga prof. bilang isang maingay na block, at least nakapagsaya tayo! luv yah guyz.. khit isa sa inyo, khit si Dory na umalis na, hindi ko na mabubura sa sarili ko. Separate ways man ang maging drama tlga natin, "magkikita-kita pa rin tayo sa finals(sa working world)."


posted by im.anna at 4:15 AM 18 comments


Wednesday, March 22, 2006

Maingay, bwisit sa buhay, makitid ang pang-unawa, asar at walang konsiderasyon… Lahat na iyan nasabi ko na kay ate. Ang bad ko, pero minsan talagang hinihingi ng pagkakataon. Lagi kaming nagaaway n'yan! Pagsamahin mo ba naman ang dalawang higante sa iisang bahay na may magkaibang ugali, kung walang masaktan, ewan ko na lang!
Araw-araw na lang non, lagi kaming nagsasagutan. Simpleng atake ng katamaran, pinagmumulan ng away, kung nagsimula man yan sa kusina, magtatapos yan sigurado, ang isa nasa sahig na. Malala pa dun, wlang titigil hangga’t walang duguan at hindi kami pinapagalitan o pinapalo nila mama.
Tahimik lang ako, tinitimpi ko ang sarili ko, kasi sabi ni mama "ang panganay hindi sinasaktan!". Therefore, ang pangalawa hanggang sa bunso, pwedeng awayin?
Para kaming kambal na nagkakainggitan, 1 year lang kasi pagitan namin. Ultimo pagbabalot ng libro, kailangan kasing perpekto ng sakanya. Pati itsura ng damit nya dapat parehas kami. Pati nga ang mga awards ko, kahit sa akin, dapat pantay kami ng suot na medalya.
Sinusunod ko siya hanggang sa kayak o. kaya lang, akakatakot pag naipon ang galit ko. 4 years old pa lang ata ako nun minsang inggitin niya ako sa bagong bili nyang gunting na kulay pink (hindi pa yellow ang favorite ko nun). Inaway nya ako at inaway ko rin siya at sa puntong iyon, nabigay ko sa kanya ang pinaka "lasting" na regalong mabibigay ko sa kanya na alam kong hinding-hindi na nya makakalimutan at hindi- hindi na niya mabubura sa kanyang katauhan at iyon ay ang peklat na dulot ng gunting sa kanyang braso. OO, ginupit ko sya, lahat ng galit ko sa kanya, binuhos ko doon. At syempre, sa dami ng galit ko, hindi gawng biro ang lalim at sakit nun.
Nagtaka ako kung bakit pagkalabas ng dugo, at nakita ko siyang umiyak, napatahimik ako at naawa, umiyak din ako. Simula noon bihira ko na syang saktan, nakakatakot. Akala ko kapag nasaktan ko sya, matutuwa na ako, okay na pakiramdam ko, pero hindi eh! Mabigat sa akin hanggang ngayon tuwing nakikita ko si ateng umiiyak.
Yung mga salita ko laban sa kanya, kinakain ko rin kapag nakikita ko na siyang humahagulgol. Matapang sya eh! (sa labas ng bahay) Pinagtatanggol nya ako lagi. Sinusugod nya ung tumawag sa akin ng panget, pandak, maarte. Actually kwinelyuhan nya ang mga lalake at tinarayan ang mga babae. Wonder woman to the rescue! kya nga kapag may nakikipag-away sa akin, ang dialogue ko "lagot kayo kay ate."
Pero sa loob ng bahay, doon lumalabas ang tunay na siya, iyakin at maramdamin. Alam ko kung saan nanggagaling ang hiya nya, ang galit nya, ang sakit na nararamdaman nya, ang failures nya. Lahat yun, alam ko, indirectly galing sa’kin at ako ang nagdulot sa kanya.
Naintindihan ko sya nung sinabi nya saking "IKAW NA NGA MAGING ATE! Tutal mas magaling ka naman db?" Wala akong nasabi, napaluha nlng ako at sinabi sa kanyang, "hindi ate, mas magaling ka dyan eh!"
Kahit anung isipin n’ya gusto ko lang maramdaman niyang hindi ako nakikipagkumpitensya sa kanya. Na nirerespeto ko sya. Na mahal ko sya. Alam ko naman sa kabila ng lahat ng iyon, mahal nya rin ako.
Mahirap maging ate, mahirap maging Kristine. Ate, si Anna lang ako, nakababatang kapatid. Wag ka matakot, hindi ko aagawin ang mundo sa iyo. Handa akong ibahagi sa’yo ang lahat ng meron ako. At alam kong alam mo yun.
Ngayong kaarawan mo, sana nababasa mo ito.
Mahal na mahal kita ate, at nagpapasalamat akong may ate ako, na katulad mo. Idol nga kita eh, masaya man akong ate, alam kong mas masaya akong i-appreciate ang pagiging ate mo sakin. Sa mga ginagawa mo sakin, nakikita ko kung paano maging tunay na ate. Ngayong malayo na kayo, hindi biro ang nawawalang oras na sana'y magkakasama tayo kaya dapat pag umuuwi ako, wag mo na akong aawayin ah! Macho ka rin kasi eh!
Gusto ko na uli humiram ng damit mo, ng bag mo, ng shoes mo, at syempre ng mga gamit ko na nasa iyo! Haha… Miss ko na kasi yung secret sharing natin at syempre ang lahat ng happy moments, kasama na ang pagtulog natin ng 12 hrs sa iisang kama (mga mantika), nag-aagawan ng iisang unan at iisang kumot. (pano singit lang ako.) I miss all of these…More than all, I miss you ate tin…
Tama drama! 19 kn. Tanda mo na rin, parang yung mga ka-block ko, 1 year na lang wala na sa category ng teens. Tanda nyo na!?!!!


Happy b-day ate!!!


posted by im.anna at 4:07 PM 0 comments


Monday, March 13, 2006



Konti nalang, tapos na ang first year. At dahil sa mga toxic na gawain, hindi na naming ito mapapansin. Kaya bago pa magkalimutan, magpapasalamat mula ako sa buong block 5. (nxt post is a tribute for all of you), sa stars at sa friendship na binigay ninyo.
Temporary lang ang lahat, kaya ilang araw na lang, it's totally goodbyes. Ang dami rin nating mga kalokohang pinagsamahan. Ang kawirdohan ng marami sa atin na nagpapatunay lang na taga-UP tayo, ang mga kasama kong GC (daw), ang mga AB na patuloy na nakikibaka, ang mga asaran at kabitan na walang katapusan. Nagmarka lahat sa akin. I doubt it kung makalimutan ko pa kayo! Mahirap gawin un noh!
Enough of this, sa next post na para sa inyo, baka wala na akong masabi. The real reason why I jump out of bed to make a post is that, sasabog ako pag di ko ginawa! Ayoko na sa mga huling araw, may tampuhan, may samaan ng loob, di pansinan. Kasi every second now counts. Sayang ang friendship (kung friendship talaga un). Naguguluhan kasi talaga ako, Can anyone help me?
Hinahanapan ko ang sarili ko ng mga dahilan kung bakit sa tingin ng iba nagkamali ako. Yung sa tingin ng iba, naging masama ako. Nasaktan sila. Kasi hindi ko ugaling manakit ng kaibigan! Tinitingnan ko ang bawat galaw ko at pinagiisipan. Hindi ko alam na may nagagawa na pala akong masama. Pero, dun sa mga nakakakilala sa akin, I know and I guess, I am a good friend. Though minsan naiiwan ko kayo, I know where to stand, when to give you space and when to help you. At hobby ko 'yun, to treasure everything na pinagsasamahan natin.
I know may kanya-kanya tayong attitudes, but minsan mahirap maging tunay na friend lalo na kapag ikaw lang ang nag-aasume na meron, o sa ganong level na. Mahihirapan kang i-build up yung friendship na inakala mong matatag. Maybe I just expected na hindi nyo iniisip na mga FC lang tayo na may certain level (dahil were above the sky). Na kaya nating kalimutan, tanggapin ang bawat isa, na kilala natin ang bawat isa, hindi pala. Masakit kasi sa loob ko, ngayon ko lang narinig na may nagagalit sa akin. Nasabi ko na ngang "s**t" na friendship to!
Pero I guess, lahat naman ng relationships even friendships, nagdadaan sa mga ganito, I just need to lessen my expectations and efforts to make this work para hindi naman sumasama ang loob ko. Kung anu lang ang maibigay ko, yun lang. Wish ko lang mabago ko na ugali ko, ang ATTACHMENT eh wag masyadong pairalin, mahirap yan.
Now, I want to clear na tapos na ang kung ano mang galit na nasa dibdib ko pagkatapos ng pinakahuling period ng post na ito. I will try my very best to stick to this friendship na nagbigay ng sobrang kasiyahan sa akin. At infairness to my friends, they are always there to make me smile, and help me. Baka isa lang nga itong pagsubok, immediate reaction lang itong post!
Sana sa mga natitirang araw, maayos na talaga ito. Na matanggap ko na ang lahat! Kasi naman mas mahirap pa atang mawalan ng ganitong friendship, kaysa mawalan at lokohin ng lalake eh! Kasi hindi nmn ganito kabigat 'yung nararamdaman ko nun eh! I luv you guyz! Aayusin ko na buhay ko! (wish ko magawa ko un...)


posted by im.anna at 5:19 PM 4 comments


Saturday, February 25, 2006


Isa lang siyang ordinaryong tao sa buhay mo nang halos ilang taon din. Kabarkada, wirdong kaibigan, korny at pasaway. Nagtataka ka pa noong una kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya, eh ayaw mo pa naman sa lahat, yung korny at di nagseseryo sa mga bagay-bagay. Alam mo sa sarili mong di malayong magkagusto ka rin sa kanya kung seryoso lang siya.Mayroon ka noong minamahal (more suited) partner, na ibang-iba sa kanya, isang lalakeng nasa pangainip mo talaga dream boy ika nga.
Isang araw, nag-iba agad ang pakiramdam mo nang sinabi niya sa iyong gusto ka niya. Nagulat ka man at nabigla ng todo, naguluhan ka. Hindi mo alam kung anung mararamdaman. Bakit ka nga ba naguguluhan, ibig sabihin ba’y ganoon ka na rin sa kanya? Paano na ung isa?
Nalunod ka sa pangako at paniniwala ang sariling IBA SIYA, kaya napamahal at tinaggap siya sa iyong buhay. Pinadalaw sa bahay, inilapit sa mga kaibigan, pinakilala sa magulang, isang bagay na hindi mo ginawa sa iba. Pinilit mong sakyan ang pagkakaiba ninyo,Pero inisip mong tama kung mas pipiliin mo yung kilala mo na, ung mas nakasama mo ng matagal. Kaya iniwan mo ang gumaganda mong relasyon para sa kanya.
Gaya ng iba mo pang supposed relationships, hindi pa pwedeng maging kayo. Kasi ayaw ng parents mo, (pero sa totoo takot ka lang siguro). Pero pinuno ka niya ng pangakong maghihintay siya at magmamahal sabihin man ng ibang di iyon magtatagal.
pinaglaban sa lahat ng gumugulo. Nagpapakasaya kayo at tuwing magkasama’y nakakalimutan ang magulong mundo. Masaya kang kasama siya, at mukhang ganoon din naman ang pakiramdam niya.
Ngayon, habang tumatagal, akala mo, totoo pa rin ang sagot nyang OKAY LANG ANG LAHAT BASTA IKAW. Dumaan ang mga araw na natakot ka nalang na makipaguap, dahil baka marinig mo na ang mga salitang ayaw mong marinig sa kanya. Ayaw mo siyang makitang magpaalam at iwanan ka.
Ngunit di mo hawak ang mga pagkakataon, pinilit mong umiwas sa mga usapan, kapag alam na ang kahahantungan. Nararamdaman mong parang ayaw na niya, nagtatanong ka kung anong problema pero ganon pa rin ang sagot niya. Inakala mong siya na, na kaya niya, nakalimutan mong di siya si super man at hindi
ikaw
ang diyosa ng kagandahan.
Dumating na ang araw na hiniling mong dina sana dumating, bago magtakip silim, nang inaagaw na ng gabi ang kalangitan, kasabay nito ang kanyang pamamaalam. Parang ang bilis gumabi at sa isang saglit tuluyang dumilim ang iyong paligid, napapikit, ngunit pinakita mong matapang ka, nakuha mo pang sabihin ang mga katagang “Paalam at Salamat na lang ha!” Mga katagang hindi mo man lang inisip na sasabihin mo, ngayon pang parang hindi mo kayang mawalay siya sa iyo.
OO, kasalanan mo, dahil hindi nya naramdaman ang pag-ibig mo. Na pinakawalan mo ang isang taong nagmahal sa iyo (totoo nga bang nagmahal siya?). Hindi lang nga ba kayo para sa isa’t-isa at kahit ginawa mo na ang lahat, di pa rin naging sapat?


*Ang post na ito’y supposed to be posted last month pa… nadugtungan tuloy

Inakala mong tapos na, sa lahat ng sakit ay nakatakas ka na. Balewala na sa iyo anu pang mangyari sa kanya. Tinaggap na ang lahat at tuluyan na siyang binura. Ngunit bakit ganun? Tama bang sirain ang araw ng mga puso mo? Na sa araw na iyo’y makuha pa niyang sabihing masaya na siya SA KAIBIGAN MO? O diba ang martir mo! All this time umaasa ka pa sa loob loob mo na babalik siya, WISH MO LANG!
Pero ngayon mas madali na kalimutan siya dahil napatunayan mong ang pinapantasya mo’y walang kwenta. Ngayon napagdugtong-dugtong mo na at nasagot ang katanungan kung sino nga ba ang may kasalanan.
Plinano ba nya? Ang galing niya, perfect! Di mo kasi nahalata. Pero at least ngayon alam mo na, na hindi ikaw ang may kasalanan talaga. Hindi mo na kinakailangang ma-guilty pa. Sana ngayon matahimik ka na. Maniwala ba kasi sa Perfect love? No such thing noh! Kaya sa susunod wag ka agad maniwala, “looks can be deceiving” ika nga, o panghawakan mo na “People change” sabi nga ni alpha… move on….....

......ANNA.....


posted by im.anna at 3:56 AM 5 comments


Sunday, February 05, 2006

“Lab Istori ni Pusong”

Ako si Pusong. kagabi,nanaginip ako,magkasama tayong muli…pabigla mo kong binati ng makislap mong ngiti. Sa panahong yon,agad kong napagtantong tapos na rin ang nakaririmarim na paghihintay ko. Gayun pa man,di ko naman ito pinagsisihan pagkat alam ko ang halaga ng nitong pananalig ko…magkahawak ang mga palad natin habang naglalakad taglay ang walang tumpik na kagalakan…hanggang sa tayo’y naupo,nagbalik tanaw sa matamis nating kahapon…ang mga bagay na ating iniwan ay muli nating sasariwain at pagsasaluhan. Sa bawat pag sambit mo ng salita, pagnamnam ko sa himig ng iyong tinig ay abot langit. Sa bawat paghaplos ng hangin ay aking nilalanghap ang iyong halimuyak. Sa bawat pagsulyap ng yong malabrilyanteng mga mata,pagtunaw ko’y wari baga’y isang kandila. Sa bawat pagdampi ng yong magaspang na palad, tindig ko’y sumusuko sa matinding panghihina. Sa mga halakhakan natin,sa mga barahan natin,sa mga pagbibiruan natin,sa mga pangarap na minsang binuo natin, alam kong ito’y bunga lamang ng kapangyarihan ni Kupido. At sa pagtindig natin para sa hinaharap, susuungin natin ang mga alon ng kanilang mga hamon, ating babatain ang kanilang mga paninira, at ating silang pagtatagumpayan…ito’y inalay ko sa’yo…

“Tinanong mo”

Tinanong mo, ang bagay na gustong malaman
Mga nagdudulot sa’yong agam-agam
Kasaguta’y akin namang di ipag-aalangan

Iyo sanang ipagwalang bahala,
Sapagkat sa’kin ay wala nang iba.
Ito’y di mo dapat ipag-alala

Sapagkat sa’yo lang nakasalalay aking ligaya
Aking giliw, ibig kong iyong ipaghinuha,
Na ang pag-ibig ko sa iyo’y inalay na..

Tinanong mo, ano’t sino sa’kin makakapagpasuko..
Wala liban sa may kapal pagkat mundo ko’y maguguho
Kapag ako’y sa iyo nalayo..

Balang araw tayo ri’y makakalaya.
Anuman sabihin nila’y di na mahalaga,
Dahil sa pag-ibig tayo’y mapagparaya.

Hanggang pagtanda’y di titigil aking panliligaw.
Kamatayan lang ang siyang makapagbibitaw
Sa sumpang aking sinambit minsan sa ating mga araw…

Gumising akong lason sa maling pag-aakala, namulat mula sa isang pangarap na di na kailanman maaaring kamtin. Ipinagtatanto ang maginaw na kalungkutan ng pag-iisa. Mga pagdududa di ka babalik ay isinakabilang-buhay ko na. At aking tinanaw ang mapanglaw na tanawin sa labas ng rehas ng aking bintana’t patuloy pa ring nananaginip sa ‘yong pagbabalik…

-Tapos na-
*This was written by Adrian Monera (a dear friend) =>


posted by im.anna at 5:40 PM 2 comments

remember?

Anna.
Seventeen.
University of the Philippines.

time machine

Alfita
Dana
Macar
Maple
Miggy
Paola
Nene
Chowee

shoutbox


memories

January 2006
February 2006
March 2006
August 2006
November 2006

credits

picture host
host
brushes
designer